Martes, Oktubre 13, 2015

Judge ka ba?

Lahat tayo ay may imperfections so why do you keep on judging? JUDGE ka ba?!

         Lahat tayo ay magkakaiba. Magkakaiba sa pananamit, panlasa, hilig at desisyon. Lahat din tayo ay may imperfections.. May balat sa pwet, may malaking nunal sa likod, makapal ang kilay, mabalahibo... Kung wala kang mga ganyan dahilan ba yan para mang judge ka? kahit papano may imperfections ka pa din walang perpekto. I know hindi maiiwasan ang mang judge pero that doesnt mean aaraw arawin mo na ang pang jujudge ng kapwa mo. Kung may nakita ka man na hindi gusto ng panlasa mo at mukhang katawa tawa para sayo sarilihin mo nalang! Hindi yung ikakalat mo pa sa mga tropa mo! Aba pag may nanglait nga sayo lumalaki butas ng ilong mo pero pag ikaw ang nangjudge aba aba aba! Aba matinde!. Isipin mo muna kung nandoon ka sa sitwasyon nila anong mararamdaman mo? Diba masakit? Diba nakakainis?. Wag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sayo (Golden Rule).
            Laging tandaan na lahat tayo ay may natatanging kagandahan, may natatanging kakayahan at talento. Hindi ka bubblegum kaya wag kang judge! Judgemental!. Kung ganun man siya eh pabayaan mo na kasi hindi naman niya sinabing pakelaman mo siya at unahin mo muna sarili mo! Hindi ka pa nga nagtotoothbrush pamimintas agad inatupag mo! Maawa ka sa ating kalikasan dagdag polusyon ka kaya!. 

Broken Ahoy!



Babala ang mga nilalaman ay maaaring makasakit ng damdamin. Gabay ng kaibigan ang kailangan...

Analyze the questions:

-Mahal na mahal mo siya ang tanong mahal ka ba niya?

-Willing kang gawin ang lahat para sakanya ang tanong willing rin ba siya?

-Effort ka ng effort .. naaappreciate niya ba?

-Mahal mo parin sya .. Mahal ka parin ba niya?

-Baby ang tawag mo sakanya .. Baby rin ba ang tawag niya sayo? (Medyo assuming XD)

-Nagka eye to eye kayo at kinilig ka ang tanong sayo ba talaga nakatingin?

-Iniisip isip mo siya araw gabi ang tanong sumasagi ka man lang ba sa isip niya?

-Ganadong ganado kang kausap siya at nag iisip pa ng topic makausap lang siya ang tanong trip ka rin ba niyang kausap?

-Miss na miss mo na siya ang tanong namimiss ka ba niya?

-Panay ang stalk mo sakanya ang tanong kilala ka ba niya?

-Selos na selos ka pag may kasama siyang iba ang tanong may karapatan ka ba?
Hay pag ibig .. Lets just say na sa pag ibig hindi maiiwasan ang magpakatanga pero that doesnt mean aaraw arawin mo na. Bakit nga ba tayo nagpapakatanga? Sa huli ano nga bang mapapala natin? Is it worth it or not?. Sa crush, pagnagka crush ka halos mabaliw ka. You are willing to do anything.. yung iikutin mo ung buong school mo makita lang siya, yung inistalk mo siya sa fb, insta or simply sa school. Pag nalaman mong may syota siya lagi mong sinasabing magbrebreak din sila. Sa isang relationship, pagnag ka Lovelife ka you are willing to bring down your ego & pride. Lahat tinitiis mo just to make your relationship stronger & to make it work. Kahit magmukha kang tanga okay lang basta wag lang siyang mawala sayo. Sa Ex, yung hindi ka makamove on kasi iniisip mo baka may chance pa. Hindi ka maka move on kasi namimiss mo ung mga LSM niya and sweet moments niyo. Hindi mo matanggap na its over kasi halos lahat binigay mo nung kayo pa. Sa asawa, kahit ilang beses siyang magkamali you always give him/her second chance why? Because you know he/she means a lot to you. Kahit paulit ulit kayong mag away at the end of the day you will end up saying i love you....
In the state of crush siguro its normal at hindi naman gaanong komplikado pero pano kung nainlove ka? Hay nako. Siguro kung may gusto rin naman siya sayo worth it ang pagpapakatanga mo.. pero kung alam mo nang hindi ka talaga niya gusto at may iba siyang mahal aba awat na kasi hindi yan worth it. Sa isang relationship ofcourse healthy lang ang magpakatanga lalo na kapag both of you are fighting for your relationship syempre worth it na worth it. Kay ex aba hindi na yan worth it kasi in the first place hindi na talaga nag work ang relationship niyo eh. Also pagtapos na! tapos na! Wag mo nang ipagpilitan! Gumising ka sa katotohanang it will never go back the same as you used to be. Always think of the positive side na siguro hindi nagwork ang relationship niyo kasi hindi siya worthy para sayo & may nakatadhana sayo. Sa asawa keme just like in a relationship its healthy and it shows true love kasi it means na you really want to keep that relationship til forever & ever &eveeeer. Pero...... kung bata ka pa! Aba study muna bago landi. Bata ka pa at marami ka pang makikilala kaya just be patient sundin mo muna utos ng nanay mo. Para hindi ka masaktan, tandaan ang 3 never's: never expect, never assume & never demand. Dagdag paalala lang para naman hindi kana gaanong magpakatanga at masaktan.

Martes, Setyembre 29, 2015

Sakit noh? Its part of life

Pinakamasayang feeling ang mainlove at magmahal lalo na pag mahal ka rin niya. Eh pero pano kung may iba siyang mahal at hindi ka niya gusto? Puro ka baby diyan ang tanong baby ka ba niya?. Yung mga tanungang ang tindi manakit ng damdamin. Pagdating naman kay Ex ang bitter mo kasi hindi  mo matanggap na mahal mo parin siya samantalang siya happy happy na at may mahal na siyang iba. Iniisip isip mo siya ang tanong iniisip ka rin ba niya?. Ang saya saya mo pag nakikita mo siya at gumagawa ka pa ng paraan para sulyapan siya ang tanong ikaw ba ang gusto niyang makita?. Ang sakit talaga malaman na ang crush mo may mahal nang iba, si ex may mahal nang iba. Sa pag ibig hindi lang puro sarap sarap may sakit sakit din kaya wag kang magreklamo!! ginusto mo yan. Ang pag ibig kasi ay parang isang sugal, may mga times na jackpot ka pero minsan bokya rin at higit sa lahat sinusugal mo kasi lahat sa pag ibig. Wag ka magpaka emo kung nareject ka kasi sa dami ng tao sa mundo hindi ka mauubusan at hindi ka matututo hangga't hindi ka nasasaktan. Always think of the positive side malay mo kaya hindi kayo nagkatuluyan eh kasi may taong mas worth it para sayo at may taong nakalaan sayo. Minsan ang harsh talaga ni pag ibig kasi sa una sobrang sarap sa feeling pero bibiglain ka at paiiyakin ka pero wag na natin inaaway si forever, tadhana, cupid at si love!. Sumugal kana eh you should be ready of the consequences wag ka maarte diyan! at lets just love love loveeee pero wag naman yung 3 or more you should always stick to one dahil ikaw rin ang mahihirapan.

#MagandaProblems (Kahit hindi maganda?)

Siguro nga masaya ang mabiyayaan ng kagandahan. Minahal ka ba tlga nya dahil mahal ka niya o dahil sa maganda ka lang talaga?. Sa dami dami ng naghahabol sayo sino ang pipiliin mo at tapat ba talaga sila sayo?. Papansinin at ituturing ka parin ba nilang prinsesa pag nasira ang kagandahan mo?. Tanggap mo ba na maganda ka lang talaga? Ibubuhos mo lang ba ang kagandahan sa mukha mo at hindi sa ugali mo?. Ahaha #MagandaProblems .. Sa dami nga ng naghahabol sayo sino nga ba ang tapat at handang mahalin ka kahit kumupas na ang iyong kagandahan?. Paano kung lahat sila tapat sayo at handang gawin ang lahat para sayo? .. Kada desisyon hindi maiiwasan ang makasakit kaya dapat pag isipan at alamin ang kahihinatnan. Wag ibuhos ang lahat sa mukha ibuhos mo rin sa ugali atleast maganda kana mabait kapa, oh diba full package na? .. Always remember na porket maganda ka always winner kana. Tanggap mo ba ang maganda ka pero walang alam, maganda ka pero masama ang ugali?, maganda ka pero pulubi?, maganda ka pero walang friends. Pag maganda ka dapat lagi kang down to earth so you can be proud that your beautiful inside and out kahit hindi ka kagandahan bawe mo nalang sa ugali at talino mas malayo ang mararating mo .. Hindi yung alam mong hindi ka nakalabas nung nagsasaboy ng kagandahan eh patapon pa ugali mo wag ganun. Always remember na each one of us ay may soulmate kaya ngiti na diyan! and be patient darating rin yan and will love you for who you are.