Martes, Setyembre 29, 2015

Sakit noh? Its part of life

Pinakamasayang feeling ang mainlove at magmahal lalo na pag mahal ka rin niya. Eh pero pano kung may iba siyang mahal at hindi ka niya gusto? Puro ka baby diyan ang tanong baby ka ba niya?. Yung mga tanungang ang tindi manakit ng damdamin. Pagdating naman kay Ex ang bitter mo kasi hindi  mo matanggap na mahal mo parin siya samantalang siya happy happy na at may mahal na siyang iba. Iniisip isip mo siya ang tanong iniisip ka rin ba niya?. Ang saya saya mo pag nakikita mo siya at gumagawa ka pa ng paraan para sulyapan siya ang tanong ikaw ba ang gusto niyang makita?. Ang sakit talaga malaman na ang crush mo may mahal nang iba, si ex may mahal nang iba. Sa pag ibig hindi lang puro sarap sarap may sakit sakit din kaya wag kang magreklamo!! ginusto mo yan. Ang pag ibig kasi ay parang isang sugal, may mga times na jackpot ka pero minsan bokya rin at higit sa lahat sinusugal mo kasi lahat sa pag ibig. Wag ka magpaka emo kung nareject ka kasi sa dami ng tao sa mundo hindi ka mauubusan at hindi ka matututo hangga't hindi ka nasasaktan. Always think of the positive side malay mo kaya hindi kayo nagkatuluyan eh kasi may taong mas worth it para sayo at may taong nakalaan sayo. Minsan ang harsh talaga ni pag ibig kasi sa una sobrang sarap sa feeling pero bibiglain ka at paiiyakin ka pero wag na natin inaaway si forever, tadhana, cupid at si love!. Sumugal kana eh you should be ready of the consequences wag ka maarte diyan! at lets just love love loveeee pero wag naman yung 3 or more you should always stick to one dahil ikaw rin ang mahihirapan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento