Martes, Setyembre 29, 2015
Sakit noh? Its part of life
Pinakamasayang feeling ang mainlove at magmahal lalo na pag mahal ka rin niya. Eh pero pano kung may iba siyang mahal at hindi ka niya gusto? Puro ka baby diyan ang tanong baby ka ba niya?. Yung mga tanungang ang tindi manakit ng damdamin. Pagdating naman kay Ex ang bitter mo kasi hindi mo matanggap na mahal mo parin siya samantalang siya happy happy na at may mahal na siyang iba. Iniisip isip mo siya ang tanong iniisip ka rin ba niya?. Ang saya saya mo pag nakikita mo siya at gumagawa ka pa ng paraan para sulyapan siya ang tanong ikaw ba ang gusto niyang makita?. Ang sakit talaga malaman na ang crush mo may mahal nang iba, si ex may mahal nang iba. Sa pag ibig hindi lang puro sarap sarap may sakit sakit din kaya wag kang magreklamo!! ginusto mo yan. Ang pag ibig kasi ay parang isang sugal, may mga times na jackpot ka pero minsan bokya rin at higit sa lahat sinusugal mo kasi lahat sa pag ibig. Wag ka magpaka emo kung nareject ka kasi sa dami ng tao sa mundo hindi ka mauubusan at hindi ka matututo hangga't hindi ka nasasaktan. Always think of the positive side malay mo kaya hindi kayo nagkatuluyan eh kasi may taong mas worth it para sayo at may taong nakalaan sayo. Minsan ang harsh talaga ni pag ibig kasi sa una sobrang sarap sa feeling pero bibiglain ka at paiiyakin ka pero wag na natin inaaway si forever, tadhana, cupid at si love!. Sumugal kana eh you should be ready of the consequences wag ka maarte diyan! at lets just love love loveeee pero wag naman yung 3 or more you should always stick to one dahil ikaw rin ang mahihirapan.
#MagandaProblems (Kahit hindi maganda?)
Siguro nga masaya ang mabiyayaan ng kagandahan. Minahal ka ba tlga nya dahil mahal ka niya o dahil sa maganda ka lang talaga?. Sa dami dami ng naghahabol sayo sino ang pipiliin mo at tapat ba talaga sila sayo?. Papansinin at ituturing ka parin ba nilang prinsesa pag nasira ang kagandahan mo?. Tanggap mo ba na maganda ka lang talaga? Ibubuhos mo lang ba ang kagandahan sa mukha mo at hindi sa ugali mo?. Ahaha #MagandaProblems .. Sa dami nga ng naghahabol sayo sino nga ba ang tapat at handang mahalin ka kahit kumupas na ang iyong kagandahan?. Paano kung lahat sila tapat sayo at handang gawin ang lahat para sayo? .. Kada desisyon hindi maiiwasan ang makasakit kaya dapat pag isipan at alamin ang kahihinatnan. Wag ibuhos ang lahat sa mukha ibuhos mo rin sa ugali atleast maganda kana mabait kapa, oh diba full package na? .. Always remember na porket maganda ka always winner kana. Tanggap mo ba ang maganda ka pero walang alam, maganda ka pero masama ang ugali?, maganda ka pero pulubi?, maganda ka pero walang friends. Pag maganda ka dapat lagi kang down to earth so you can be proud that your beautiful inside and out kahit hindi ka kagandahan bawe mo nalang sa ugali at talino mas malayo ang mararating mo .. Hindi yung alam mong hindi ka nakalabas nung nagsasaboy ng kagandahan eh patapon pa ugali mo wag ganun. Always remember na each one of us ay may soulmate kaya ngiti na diyan! and be patient darating rin yan and will love you for who you are.
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)

